Abante Tonite Interactive

​Sablay sa pagtalak sa babaeng pinagselosan​

By
3,205

NANG magpaulan ng selos at insekuridad ang kapalaran ay gising na gising ang isang magandang female personality.

Bukod sa gising na siya ay nagbaklas pa siya ng bubong at nagbukas ng mga bintana, nagsahod ng mga banyera at planggana, kaya matindi ang kanyang nasambot.

Kapag inaapuntahan siya ng selos at insecurity ay hinihila siya ng kanyang mga paa para kumprontahin ang babaeng personalidad na pinag-iisipan niyang baka makaagaw sa kanyang karelasyon.

Wala siyang pakialam sa damdamin ng iba, basta sasabihin niya ang kanyang gusto na may kahalo pang pananakot, ganu’n ang arya ng magandang female personality kapag tinatalo ng selos ang kanyang damdamin.

Ilang female persona­lities na ba ang pinakain niya nang masasakit na salita dahil sa pagseselos­? Para lang siyang ngumu­nguya ng bubble gum kung makapanglait, para lang siyang nagkukukot ng mani at kornik kung pagbantaan ang kanyang kinokompronta, ganu’n kabulag ang babaeng ito kapag akala niya’y may makadadaig sa kanya sa puso ng kanyang karelasyon.

Pero mukhang sumab­lay siya sa pinakahuli niyang pag-atake, pinagsa­litaan niya nang sobrang sakit ang isang female personality na pinagdudahan niyang nang-aakit sa kanyang mahal, sumi­gaw ng “foul!” ang mga taong may alam na kuwento.

“Du’n siya nagkamali, ibang babae ang napagdiskitahan niya, hindi ‘yung totoong dapat niyang kinompronta! May ganap talaga, pero hindi ang babaeng tina­lakan niya ang involved, kasamahan din nila ang girl sa network!” ma­diing reaksiyon ng isang impormante. Kung ang beauty queen na si Ms. Melanie Marquez ang hihingan natin ngayon ng reaksiyon tungkol sa senaryo ay isa lang ang sa­sabihin nito, “You’re barking on the wrong dog!”

Ha! Ha! Ha! Ha!

Ronnie kay Vice: ‘Ikaw ang unang bakla sa buhay ko!’

PANAUHIN ni Vice Ganda sa kanyang programa nu’ng Linggo nang gabi sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio. Nagasgas na ang dila ng TV host sa katatanong kung sila na ba, pero kung anu-anong palusot ang sinasabi ng kanyang mga guests, kaya umariba ang taklesang dila ni Vice Ganda.

Ang sabi ni Vice, “Naku, ayaw n’yo pang umamin, e, ganyan na kayo ka-sweet in public, paano pa kung kayong dalawa na lang, magkapatong na kayo?

Pasok sa banga ang komento ni Vice, pa­lakpak nang palakpak ang mga katabi naming nanonood, oo nga naman! Sige sila sa kade­denay, pero sila naman mismo ang nagkakanulo sa tunay nilang relasyon, ano nga naman ‘yun?

Sabi nu’ng girl na ex daw ni Joshua Garcia na kasama rin sa The Good Son na kung tawagin ni prop ay “monotone starlet” dahil iisa raw ang tono ng boses at acting ke nagagalit, natutuwa, nagugulat ang young actress ay gagawin daw nito ang lahat-lahat para sa kanyang pagmamahal kay Ronnie Alonte.

E, becki si Vice, natural lang na ang kanyang reaksiyon sa sinabi ni Loisa ay “Serbis!” Hagalpakan ang mga kasama naming nanonood, ibang klase raw tala­gang bumanat ang sikat na komedyante-TV host, patagilid lang pero sapul na sapul ang kanyang kaharap.

Sino naman ang bibili sa panindang pagdedenay nina Ronnie at Loisa na totoong sila na ngayon samantalang nagyayakapan na nga sila sa harap ng mga camera at sige sa paglalambingan?

Matagal nang pinagpipistahan ang kuwentong si Ronnie Alonte ang pinakaespesyal kay Vice Ganda sa hanay ng Hashtags. Kung anu-ano nang istorya ang lumabas tungkol sa kanila na idinedenay naman ng young actor.

Pero on national television nu’ng Linggo nang gabi ay sinabi ni Ronnie Alonte, “Ikaw ang u­nang bakla sa buhay ko!” habang nakatingin nang diretso sa komedyante-TV host.

Napakahaba naman talaga ng buhok ni Vice Ganda. Mula ‘yun sa Monumento hanggang sa Baclaran!