Abante Tonite Interactive

‘Di ako sira ulo para sabihin ‘yun — Tugade

By
8

Hugas kamay si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa mga ulat na nagbitiw ito ng salitang “state of mind” o nasa isip lamang ang problema sa trapik sa Metro Manila.

Sa pagharap nito sa budget ng hearing ng kanyang departamento sa Kamara, sinita ng mga mam­babatas si Tugade ukol sa nasabing pahayag na ikinairita ng mga tao lalo na sa social media.

“Bakit ko naman sasabihin ‘yun, hindi naman ako sira ulo para sabihin ‘yun,” sagot ni Tugade.

Aminado si Tugade na malala ang problema sa trapiko sa Metro Manila kaya ito aniya ang dahilan kung bakit kailangan nito na mabigyan ng emergency power si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kahapon ay ibinigay na ni Tugade kay House transportation committee chairman Cesar Sarmiento ang kanilang draft sa emergency power na kailangang kailangan umano upang maresolbahan ang problema sa trapiko sa Metro Manila.

Sa ngayon ay wala umanong magawa ang DOTr para paluwagin ang mga side streets sa Metro Manila dahil kontrolado ito ng mga Local Government Units (LGU) kaya kailangan ng emergency power para makontrol ang mga kalsadang ito.

“Sabi nga namin, kung mayroon po kaming special power, na kung saan ilalagay ang traffic ma­nagement lang sa isang entity. Kung may one autho­rity diyan, mas madaling waswasin, walisin at bastunin ang mga side streets na ito,” ani Tugade.