Abante Tonite Interactive

‘DI NA NATUTO

By
Maja Salvador
18

PALAEOLITHIC. Right spelling ‘yan, Baron Geisler, dahil British spelling ‘yan.

Kaya ‘wag akong i-bash ng bashers mo.

Sige nga, paleolithic na nga si direk. Para mabilis tayo magkaintindihan, “prehistoric period of human history”.

Ganyan ang script ng mataray na writer-director.

Kaya hindi nasasak­yan ng televiewers ang kanyang mga patawa sa situational comedy na writer na siya, director pa.

Waley ang mga pasabog na patawa.

Tawang-tawa na siya ngunit ang mga manonood ay ‘di nasiyahan.

Lumipat ng channel. O nagpatay ng TV at natulog na lang.

Seryoso si direk sa kanyang craft, kaya respetado siya.

Hindi nakakaek ang mga powerful niyang stars.

Lahat ng suhestiyon at ad libs ay binabaril ni direk.

Ayaw niyang binababoy ang kanyang obra maestra na script.

Nagsawa na rin sa kaka-suggest ang mga institution na sa pagpapatawa na actors niya.

“Sige na nga. Wow na nga.”

“Ikaw na ang pinakamagaling. Deadma na kami.”

Korning-korni na ang stars, todo-akting na lang sila.

Masama man sa loob, nagngingitngit man ang kalooban… o sige na, para sa ikatatahimik ng lahat.

Patawa pa more, kahit korning-korni.

Nalipasan ng panahon na patawa.

Patawa ng 80’s at 90’s, ‘di na nakatatawa sa millennials.

Matatauhan na lang si direk, ‘pag big­lang sinibak ng istasyon ang kanilang programa kahit blocktimer ito.

Kahit superstars sa pagpapatawa ang mga bida rito.

Ayaw kasing makinig sa mga bata.

Dalubhasa ka nga, kung hindi ka naman marunong mag-Instagram, o kahit mag-PM man lang, ‘wa ka sa mga patawa ng mga bagong high school studes na cute na cute ang mga Duterte impersonation nila.

Ipa-seminar kaya ni Boss kay Direk Kirat si Direk Paleolithic para mahaluan ng mga sexy at havey na green jokes ang kanyang patawa?

***

Cycle lang ang buhay. Pabalik-balik lang.

Sa showbiz, paulit-ulit lang ang mga nangyayari.

Humans have never learned from history.

Commiting mistakes — the same mistakes all over again.

Maiksi ang memory o mapagpatawad lang tayo by nature.

Sa local showbiz, controversial na nawindang si JM de Guzman. Binigyan na ng second chance, hi-tech pa rin ang pagka-franella.

Windang to the max.

Ang classic example sa international scene ay si Lindsay Lohan.

Controversial si LiLo sa kanyang arrests. Due to alcohol and drugs.

Classic example sa pagkaaning si Charlie Sheen na highest paid TV actor for Two and Half Men.

Dahil sa sex & drugs, kung anik-anik ang sinabi sa TV interviews.

Ang kaso ng most popular golfer na si Tiger Woods ay classic example din.

Dahil sa addiction sa sex ng golfer, nalukray at nagngawa ang asawa.

Nagkawalaan ang endorsements deal. Nawala sa porma si idol.

***

Naaliw kami sa throwback photo ni Daria Ramirez sa Facebook.

Sama-sama silang mga seksing alaga noon ni Papa Jesse Ejercito.

Nasa pic sina Beth Bautista (na­ging madrasta ni Aga Muhlach), Amy Austria (multi-awarded actress na naging alaga ni Manay Lolit Solis), Elizabeth Oropesa, Lorna Tolentino (naka-grand slam as Best Actress), Alma Moreno at Daria.

Beautiful crop of stars. Mga talentadong Pinay.

Pam-Best Actress maliban sa isa. Kailangan pa bang banggitin kung sino?

Anyway, naging BFF namin ang ilan sa mga ito.

Kung ihehelera ang pics nila sa mga boobsie crop ng TV stars today, mukhang pale in comparison ang latest batch ng cover girls sa mga Calendar Girls na ito ni Papa Jesse.

FB friend namin si Dadang (Daria Ramirez). Kaya updated kami sa mga pangyayari sa buhay niya, family and friends.

Naging closer kami ni Dadang during the shoot ng Celso Ad Castillo film na Diary of Vietnam Rose na produced ni Liz Alindogan.

Hindi man naipalabas ang film, naging punumpuno ng experiences at adventures ang mga cast at production staff ng pelikula.

After 30 years, nagkaroon ng reunion.

Andoon ang leading man (Reelected na Vice Governor ng Bulacan) na si Daniel Fernando.

Aside from Liz Alindogan, bida sa said film sina Angela Perez, Vida Verde, Ronnie Lazaro.

Ably supported by the great casts like Angie Ferro, Rustica Carpio at Ms. Daria Ramirez.

Sa reunion na dinaluhan nina Ding Navasero at Ms. Maria Isabel Lopez ay reminiscing about the picturesque Tulay Buhangin, Quezon Province na siyang shooting set.

Punumpuno ng drama ang shooting. Mga eccentricities ng master filmmaker Celso Ad Castillo.

Mga behind the scenes happenings (mga umusbong na pag-iibigan at mga away dahil sa emotions na ibinunga ng matagal na pagsasama sa set).

Mga tikiman ng mga artista.

Saksi kami sa pag-iibigan that time nina Daniel Fernando at Vida Verde.

Na nagwakas noong natapos ang shooting.

May reunion muli. Sana, kasama na namin si Chris Castillo, ang anak ni direk Celso Ad na filmmaker na rin sa USA.

Dadang, don’t forget to remind me of our next get-together, ha?

***

Nakapuwesto na sina Arnel Ignacio (Pagcor), Ka Freddie Aguilar (NCCA) at Jimmy Bondoc (from the cradle to the grave).

Syempre, may assignment din kay Aiza Seguerra.

Sweet post ni John Lapus sa Facebook, “Shit si Mocha at Keanna na lang ang walang posisyon. Exciting!”

Aba! Bisi-bisihan si Keanna Reeves sa product endorsement niya, ha?!