Abante Tonite Interactive

‘Iba ang AlDub!’

173

MAY mga nagsasabing hindi na-maintain ang malakas na performance sa box-office ng pelikulang Imagine You and Me.

Hindi na kasi naglabas ng bagong figures ang APT Entertainment, pero tinitiyak sa amin ng mga taga-GMA Films na na-maintain na mala­kas sa takilya.

Expected na ang pagbaba nito nang sumunod na araw, pero pagdating ng weekend ay umariba na naman.

Masaya ang GMA 7 lalo na ang GMA Films dahil sa lakas ng pelikula nina Alden at Maine.

Kamakalawa ay ipinadala sa amin ni Atty. Annette Gozon ang statement ng GMA Films sa boxoffice success ng Imagine You and Me:

“We are so overwhelmed by the support and love for Alden and Maine that have been shown through the overpouring support for Imagine You and Me.

“The support the movie has been getting has surpassed our expectations and for that we are truly grateful.

“The positive word of mouth that has been generated for the movie has been phenomenal too.

“Iba ang AlDub. That’s all I can say. Thank you.”

Ang kilig na hatid ng movie ay sagad sa bone marrow at abot sa tumbong!

***

Mamayang gabi na ang awarding ng unang ToFarm Film Festival sa Makati Shangri-La.

Hindi ganu’n kainit ang response ng mga tao sa naturang filmfest. Hindi na kami nagulat dahil ganu’n ang nangyayari sa ilang indie film festival.

Pero patuloy pa rin ang pagkakaroon ng ganu’ng filmfest hanggang sa makasanayan na lang ng mga tao na makapanood ng mga maaayos na low-budgeted at lesser stars na pelikula.

Para sa mga magsasaka itong ToFarm, kaya may tema tungkol sa pagsasaka ang mga pelikulang isinali.

Na-appreciate namin ang Pag­lipat ni direk Zig Dulay.

Ang sabi ng ibang nakapanood, mas maganda ang Pitong Kabang Palay ni Direk Maricel Cariaga na isa talagang magsasaka.

Napataas ang kilay namin sa ilang pelikulang napanood namin dahil parang hindi naiaangat ng pelikulang ito ang pagsasaka. Kung mapanood ito ng mga magsasaka, baka maguluhan pa sila.