Abante Tonite Interactive

‘Pag hindi ka sigurado, ANAKAN mo muna!’

By
Y­asmine Espiritu at Alfred Vargas
13

NASA Encantadia na si Diana Zubiri, kaya nang makausap namin kahapon si QC Congressman Alfred Vargas ay tinanong namin siya kung posible rin siyang pumasok sa nasabing Kapuso telefantasya.

11 years ago sa orihinal na Encantadia ay si Diana ang gumanap na Sang’gre Danaya at ang gumanap na kapareha nito na si Aquil ay si Alfred.

Sey ni Alfred, nakatanggap siya ng text message mula kay Direk Mark Reyes na, “D­iana is already back!” na sinagot niya lang ng, “Sure!”

Okey si Alfred doon sa idea na maging bahagi rin siya ng bagong Encantadia tulad nina Dia­na at Sunshine Dizon.

Kaya niya itong bigyan ng oras dahil three times a week lang ang trabaho niya bilang le-gislator.

Nagkita-kita nu’ng Huwebes nang gabi ang mga dati at bagong cast members ng Enca sa pa-dinner ni Direk Mark.

Hindi nakarating sina Alfred at Sunshine, pero nandu’n sina Diana, Iza Calzado, Karylle na masayang naki-bonding sa bagong cast gaya nina Glaiza de Castro, Kylie P­adilla at Sanya Lopez.

Sabi ni Alfred, kailangan niya munang magpapayat. Nag-lose na siya ng 15 lbs., pero kailangan pa niyang magbawas ng another 15 lbs.

Kumuha na siya ng professional trainer at nutritionist para rito. Tapos ay nagwu-workout siya five times a week.

Nu’ng bata pa siya ay mabilis siyang pumayat. Nga­yon ay medyo hirap na siya at isang challenge na ang magpa-slim.

Next year magaganap ang church wedding ni Cong. Alfred sa kanyang Fil-Italian wife na si Y­asmine Espiritu-Vargas.

July 23 this year nang mag-propose siya.

Sobrang kabado raw siya at hindi niya alam kung sasagutin siya ni Yasmine.

“Actually, ‘yun ang ire-recommend ko. ‘Pag hindi ka sigurado, anakan mo muna! Ha! Ha! Ha!” pilyong biro ng actor-politician.

Two pretty girls ang anak nila, sina Alexandra (6) at Ariana (5). Gagawa raw sila ng baby boy after ng wedding nila sa July 23, 2017 sa Manila Cathedral.

Suwerte kina Alfred at Yasmine ang numbers 7 & 23.

Ang civil wedding nila ay naganap nu’ng August 16, 2010. Katwiran ni Alfred, iba pa rin ‘pag kasal ka sa simbahan.

Sa Lunes (October 24) ay 37th birthday ni Alfred, na sobrang nami-miss na ang acting.

May gagawin siyang Cine-malaya 2017 entry. Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa ang pamagat nito na tungkol sa isang illite-rate farmer na nagpanggap na teacher para ang mga bata sa kanilang bayan sa Minda­nao ay hindi ma-recruit ng mga bandido bilang child warrior.

November ang simula ng shoot ni Alfred, na nagandahan sa script ng movie na ididirek ni P­erry Escano.

Two years ago na ang huling pelikula ni Alfred na Separados na New Breed entry sa Cinemalaya 2014.