Abante Tonite Interactive

₱.4M papremyo nina Angeles, Espinola sa Judgement Derby

195

Sagupaan ng provincial at Metro Manila cockers ang papagitna sa taunang “Judgment Day 4-Cock Derby” sa Pasay City Cockpit ngayong Biyernes.

Sina Rommel Espinola at Omeng Angeles, mga beteranong mga sentensiyador sa ‘Big Event’ derbies, ang hosts ng derbing may P400,000 cash prize.

Tatlo pang derbi na mga handog ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000 ang bibira sa PCC. Ang mga ito ay ang Ahluck Camsur Triple J 4-Cock Derby sa Hunyo 21, EMB 5-Cock Derby sa Hunyo 28 at PCC Anniversary 4-Cock Derby sa Hulyo 5.

Sa nasabing sabungan din, ilalarga ang 300 ang entries na “Luzon Breeders Cup 9-Stag Derby” set A sa Hulyo 12, 19, 22 at 26, ani Luzon Gamecock Breeders Association president Nick Crisostomo.

Nasa ikalawang taon na ang LBC Cup na kahawig ng “early bird stagfest” na sikat sa Mindanao. (Enjel Manato)