Abante Tonite Interactive

₱1.3B winasak ni ‘Quiel’

196

Umabot sa mahigit P1 bilyon ang nasirang infras­tructure at P300 milyon sa agrikultura sa Cagayan sa nangyaring malawakang pinsala gaya ng landslide at pagbaha dulot ng bagyong Quiel, ayon sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) sa Cagayan Valley.

Ayon sa ahensiya, ang malawakang pagbaha ay sanhi ng paglubog ng 14 northern town ng Caga­yan, 5 residente dito ang namatay mula sa typhoon-related na insidente.

Ayon kay Cagayan Electric Corporation gene­ral manager Blandina Madamba, naayos na rin ang power supply ng may 64 barangay sa nasabing probinsya.

Nabatid naman kay Cordillera Administrative Region (CAR) Departnment of Social Welfare and Development regional director Enrique Gascon Jr., na ang mga naapektuhang probinsya dito ay ang Apayao, na may 441 pamilya pang nanatili sa evacuation center mula noong Miyerkoles. (Allan Bergonia)