Abante Tonite Interactive

₱1.3M capital assistance sa mga Manilenyo

213

Naglaan ang pamahalang lungsod ng Maynila ng P1.3 mil­yong pondo para ipautang na pampuhunan sa mga residente ng u­nang distrito ng lungsod.

Sa unang bahagi ng distribusyon, 275 residente mula sa First District ang mga unang benepisyaryo ng ca­pital assistance bilang panimula sa kanilang hanapbuhay.

Ipauutang ang capi­tal assistance sa mga residente ng Maynila nang walang kapalit o interes.

Layon ng hakbang na matulungan ang mga mahihirap na Manilenyo para maiahon sila sa kahirapan at maitaguyod ang kanilang pamilya kahit sa maliit na puhunan na ipinagkaloob ng pamahalang lungsod ng Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, malaking tulong ito para makapagsi­mula ng maliit na negos­yo ang mga residente na kanilang palalaguin.

Dagdag pa ng alkalde, unang bahagi pa lang ito ng pamamahagi ng capital assistance kung saan limang distrito pa ang inaasa­hang mabibigyan din ng kanilang pangkabuhayang kapital. (Mia Billones)