Abante Tonite Interactive

₱1.9B pondo sa ‘Tulong Dunong’ ng Kongreso pinabubura ni Ping

By
0 331

Pinatatanggal ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa proposed 2019 National Budget ang inilaang pondo para sa ‘Tulong Dunong’ program ng Commission on Higher Education (CHED).

Sa kanyang inter­pelasyon, iginiit ni Lacson na dapat na ilaan na lamang sa ibang proyekto dahil nagmumukha rin aniya itong pork barrel dahil mga mambabatas din aniya ang nagpapatupad nito.

Ipinaliwanag ni Lacson na sa ilalim ng programa, ang mga kongresista rin ang tumutukoy sa mga benepisyaryo o minsan ay sila mismo ang namamahagi ng mga tseke.

Abante Hiring – IT dep

“How could a legislator distribute checks to beneficiaries? This is very simple implementation of projects,” giit ni Lacson.

Sa ilalim ng panukala, paglalaanan ang program ng P1.19 bil­yon sa 2019 mula sa P4.19 bilyon ngayong taon.