Abante Tonite Interactive

₱10M papremyo sa LBC stagfest — Crisostomo

346

Limang araw pa ang “Luzon Breeders­ Cup (LBC) 9-Stag Derby” series, may premyong P10M, ang bibira sa Pasay City Cockpit umpisa sa August 16.

Mga sumabak sa set B group ang lalaban sa 3-stag semifinals sa Biyernes na mga hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Ayon kay Nick Crisostomo, presidente ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA), puwedeng sumali sa LBC sa hu­ling elims/semifinals sa Aug. 19 at 23 (set C).

Ang final rounds ay sa Aug. 26 (2, 2.5, 3, 3.5 at 4 points) at sa Aug. 30 (4.5 at 5 points).

Bitaw ang LBC series bukas sa Renzo Cockpit Arena Sta. Maria (Bulacan), Luisiana Coliseum (Laguna), Kaybiga Cockpit Arena (Kalookan), Manila Cockers Club (Cavite) at Camsur Sports Arena (Bicol).

Sa detalye maki­pag-ugnayan kay Erica sa 0945 4917 474, Ace sa 0939 4724 206, 843 1746 at 816 6750. (Enjel Manato)