Abante Tonite Interactive

₱11M public market itatayo sa Marikina

280

Sinisimulan na ang P11 milyong pisong public market na inilaan ng pamahalaang lokal ng Marikina City para mabigyang daan ang mga bagong entrepreneur na makapagnegosyo at maipakilala ang kanilang mga produkto.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro, mahigit 100 vendor ang maaaring makapasok sa inilaang Bagong Sibol Market na kung saan makikita ang maayos na sistema sa mga paninda.

Pauupahan ang mga stall sa mababa at abot kayang halaga para sa mga maliliit na negosyante.

Layunin nito na mabigyan ng daan ang mga small entrepreneur na makapagtinda na hindi nakakasagabal sa anumang ipinagbabawal ng pamahalaan.

“Ang sidewalk vendors ay problemang ekonomiya kaya dapat economic din ang solusyon. Ito ay na­bigyan sila ng micro financing,” ayon sa alkalde.

“Binuo naman ang lugar para sa kanila na magkaroon ng maayos at disenteng lugar na darayuhin naman ng mga mamimili at iwas pa sila sa posibilidad na hulihin kasabay ng pagbibigay sa kanila ng rasonableng renta,” ayon kay Mayor Teodoro.

Matatandaang mahigpit ang Marikina City pagdating sa pagpapatupad ng three-strike policy sa mga sidewalk vendor upang walang sagabal na kung saan nanguna ang Marikina na nag-comply sa kautusan ng Department of Interior and Local Government (DILG).

(Vick Aquino)