Abante Tonite Interactive

₱130M mga X-ray machine bibilhin kontra swine flu

267

Kinumpirma kahapon ni Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel Piñol na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbili ng kagawaran ng mga X-ray machine upang higit na mabantayan ang pagpasok sa ng mga produktong karne na galing sa mga bansang may African Swine Fever (ASF).

Sabi ni Piñol, 20 X-ray machine na aabot ng P130 milyong halaga ang kanilang bibilhin at ilalagay ito sa mga international airport.

Aniya, idadaan sa emergency procurement ang nasabing bilang ng mga X-ray machine.

Idadaan sa X-ray machine lahat ng hand-carry at check-in baggage ng mga pasaherong galing sa mga bansang may ASF.

Ayon kay Piñol, hindi nag-o-overreact ang kagawaran dahil totoo ang pa­nganib ng ASF sakaling makapasok ito sa bansa.

Batay sa Food and Agriculture Organization, 1.13 milyong baboy na ang pinatay at sinunog ng China nang tumama dito ang ASF at 2.2 milyon naman sa Vietnam na nagkaroon din ng ASF. (Eileen Mencias)