Abante Tonite Interactive

₱146M marijuana sinunog

198

Aabot sa P146 mil­yon na halaga ng marijuana ang sinira ng Phili­ppine Drug Enforcement Agency-Cordillera (PDEA-Cor) sa liblib na bundok ng bayan ng Ting­layan, Kalinga noong Miyerkoles.

Ayon sa PDEA-Cor, nagsimula sila noong Agosto 13 sa pagsusunog ng marijuana bago ito natapos ng Huwebes.

Sinabi ng ahensiya na tumagal ng tatlong araw ang operasyon dahil siyam na plantation site sa nasabing bundok ang pinuntahan ng mga operatiba.

Ayon sa imbentaryo ng PDEA-Cor, 717,900 na tanim na marijuana ang agad sinira para hindi na mapakinaba­ngan pa.

Sinunog din ang humigit-kumulang na 25 kilo na dried marijuana stalk.

Sa ngayon, iniimbes­tigahan pa ng mga awtoridad kung sino ang mga nagtanim ng marijuana sa nasabing lugar. ­

(Allan Bergonia)