Abante Tonite Interactive

₱20B nakalusot sa NAIA ‘sundo’ Jewelry smuggling

By
7,171

Aabot sa P10 bilyon hanggang P20 bilyon ang naipupuslit na kontrabando sa bansa dahil sa talamak na modus operandi na ‘sundo system’ sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na kinasasangkutan ng mga opisyales at tauhan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Sinabi ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissio­ner Greco Belgica na ginagamit sa modus operandi na sundo system ng mga sindikato ng smuggling sa NAIA ang mga assistant secretaries, prosecutors, mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) at iba pang sangay ng gobyerno kapalit ng malaking halaga.

Ayon kay Belgica, sinusundo ng mga opisyal ng gobyerno ang kontrabando galing sa Dubai at Bangkok para mabilis na makalusot sa Customs.

Nahuli aniya sa akto ang isang kasama sa sindikato noong Mayo 5 sa NAIA habang inilalabas ang mga smuggled na alahas.

“Same group were also caught on December at doon lumabas si DOJ Assistant Secretary Moslemen Macarambon para mag-intervene from P6 million tax duties, bumaba ng P1.3 million. Imbes na i-confiscate at i-charge ng Customs, pinababayaran, inaareglo.

“Ang modus operandi ng sindikato is they call people, depende, asec, minsan CISS, sunduan system kasi ito. Ang smuggling ay hand-carried,” ani Belgica.

Sinabi pa ng opisyal na bukod sa mga alahas ay nagpasok din ang sindikato ng iligal na droga na nagsimula ng kanilang operasyon noong 2012.

Kung susumahin ani Belgica ay umabot na sa P10 billion hanggang P20B ang halaga ng mga naipuslit ng sindikato sa bansa mula sa 133 beses na smuggling activities.

“This is only one of the eight syndicates na inaabangan namin doing the same modus. We have reason to believe that they are one organized group doing this connected to many different offices and taking advantage of the complex system ­using government offices,” ­dagdag pa ni Belgica.

Tinukoy ng PACC na ilang opisyal at empleyado ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang sangkot sa ‘sundo’ modus kabilang ang Department of Justice (DOJ), BOC, Department of Finance (DOF) at ­Department of Transportation (DOTr).

Puwede umanong kasuhan ng economic sabotage ang mga sangkot dahil ninanakawan nila ng buwis ang gobyerno.