Abante Tonite Interactive

₱20K pensyon ng mga beterano namumuro na

By
938

Inaprubahan na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Bill (HB) No. 725 na magkakaloob ng mas ­mataas na pensyon sa mga beterano.

Mula sa kasalukuyang P5,000 ay ipapalo sa P20,000 ang matatanggap na pensyon ng mga beterano alinsunod sa panu­kala na pangunahing ini­akda ni Bataan Rep. ­Geraldine Roman.

Makikinabang sa dagdag na pensyon ang mga beterano na sumabak sa World War II, Korean at Vietnam Wars basta’t walang ibang tinatanggap na pensyon mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Huhugutin ang pondo sa implementasyon ng dagdag na pensyon ng mga beterano sa taunang General Appropriations Act (GAA).

Ayon kay Roman, ang P5,000 na buwanang pensyon ay ipi­natupad 21 taon na ang nakakaraan.

“Our veterans have sacrificed much for our country. People who have dedicated their lives in the service of the country should, at the very least, be able to live out the days of their days comfortably without worrying about their basic needs,” paliwanag ni Roman.