Abante Tonite Interactive

₱3 gastos kada botante ‘di makatotohanan — Comelec

By
204

Aminado ang Commission on Elections (Comelec) na hindi kapani-paniwala ang itinakdang li­mit na tatlong pisong gastos ng isang kandidato sa bawat botante nga­yong panahon ng kampanya.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, masyadong maliit at wala ng halaga ang tatlong piso sa presyo ng mga bagay-bagay ngayon.

“Hindi na po rea­listic sa maraming bagay. Halimbawa, pag-usapan natin itong spen­ding limit again, thrre peso per voter bagama’t sinasabi natin na may paraan naman para ma-spread out ‘yung effect niyan. The fact remains na ‘yung tatlong piso bawat botante, napakaliit niyan kung pag-uusapan mo ang cost ng mga bagay-bagay ngayon. Masyadong mababa ‘yung three pesos per voter, napag-iwanan na po iyon,” ani Jimenez.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, ang kandidato ng isang party-list ay maaari lang gumastos ng tatlong piso sa kada botante samantalang limang piso naman ang puwedeng gastusin ng isang independent candidate sa bawat botante.

“Kung mababa ang cost mo, parang pine-predispose mo ang kandidato to violate the law, parang napipilitan siyang mag-violate ng law eh. Kaya nga may panukala kami dati na itaas ang minimum spending. Ang panukala ng Comelec gawin nating movable… depende sa lugar, depende sa index ng presyo sa lugar na ‘yun,” dagdag ni Jimenez.