Abante Tonite Interactive

₱400 mayor’s permit ng bawat empleyado sa Mandaluyong, nireklamo

582

Isang consultant ng pribadong kompanya sa Mandaluyong City ang nagreklamo hinggil sa ginawang pag-oobliga sa lahat ng nagtatrabaho sa lungsod na kumuha ng mayor’s permit.

Ayon sa consultant, bahagi daw ito ng programa ng siyudad na mapataas ang annual revenue kaya’t inobliga ang lahat ng nagtatrabaho na kumuha ng individual mayor’s permit.

Sa kanyang reklamo, nagkakahalaga umano ang permit ng P400 kada tao at nagsisimula ang pila para rito ng alas-kuwatro pa lang nang madaling-araw dahil sa dami ng kumukuhang empleyado.

Abante Hiring – IT dep

Ang alam umano niya, ang naturang permit ay nararapat lamang sa mga nagtatrabaho sa bar at restaurant.

Kaya nanawagan siya sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor and Employment (DOLE) kung may implikasyon sa mga ipinapatupad nilang patakaran.

“That doesn’t sound right. That should attract the attention of DTI for ease of doing business, DOLE for possible anti-labor implication and DILG to reach out to the officials of the City of Mandaluyong,” aniya.

Hiningan ng Tonite ng reaksyon si Mandalu­yong Congressman-elect Neptali ‘Boyet’ Gonzales II hinggil sa isyung ito.

Binanggit ni Gonzales na nagtanong din siya sa mga taga-city hall tungkol dito at ang sagot sa kanya ay baka nagtatrabaho ang nagreklamo sa ‘frontline service’ kaya’t obligado silang kumuha ng permit.