Abante Tonite Interactive

₱46 bilyong koleksiyon ng MVUC gamitin sa road clearing ops

345

Hinikayat ni Se­nate President Pro Tempore Ralph Recto ang gobyerno na gamitin ang hindi pa nagagalaw na P46 bil­yong koleksiyon ng Motor Vehicle User’s Charge (MVUC) collections para sa pag­lilinis at pagsasaayos ng mga kalsada sa bansa.

Ayon kay Recto, kailangang magkaroon ang pamahalaan ng ‘equi­ty’ sa road clearing operations na pangunguna­han ng local government units o LGUs.
“Its participation should go beyond issuing orders and deadlines, but must also include contributing to the tools and resource­s local governments need to rid thoroughfares of obstructions,” sabi ni Recto sa isang statement.
“Once roads are cleared of encroachments, the hardest part is to keep them that way,” dagag ito.

Isa umanong maa­ring pagkunan ng pondo para sa road clea­ring operation ay ang bilyong pisong koleksiyon ng MVUC na hindi pa nagagamit sa kasalukuyan.
Ang MVUC collection ay mula sa car registration fees na ibi­nabayad sa Land Transportation Office (LTO).

Nitong Disyembre 2018, umabot na sa P46.5 bilyon ang hindi nagagamit na koleksiyon ng MVUC. Sa 2019, target ng gobyerno na makalikom ng P19 bil­yon mula dito.

“Under these terms of use, kung naglilinis ang lokal na pamahalaan, dapat kasunod na ang DPWH sa pag-aa­yos ng road drainag­e, sidewalks, at pag-aspalto at pag-ayos ng mga apektadong bahagi ng kalsada,” ani Recto.
Ang MVUC fund ay maaring gamitin sa pagbili ng road clea­ring equipment tulad ng tow trucks at emergency response vehicles. (Dindo Matining)