Abante Tonite Interactive

₱500K pabuya vs gunman ng Oriental Mindoro fiscal

0 245

Magbibigay ng P500,000 na pabuya si Department of Energy (DOE) Sec. Alfonso Cusi sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon para matunton ang mga bumaril kay Oriental Mindoro Provincial Prosecutor Josephine Carpio-Caranzo nitong linggo.

Si Cusi ang isa sa da­lawang bilyonaryo sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi nilinaw ng DOE kung ang P500,000 ay manggagaling sa bulsa mismo ni Cusi o sa budget ng kagawaran.

Binisita ni Cusi si Carpio-Caranzo sa Medical Mission Group Hospital noong Martes.

“The Duterte admi­nistration doesn’t tolerate these criminal acts. I assured Prosecutor Caranzo that the government will do everything to make sure that the people behind her ambush would be arrested,” sabi ni Cusi. (Eileen Mencias)