Abante Tonite Interactive

₱5M pabuya kapalit ng top NPA leader sa Palawan

By
606

Naglabas kahapon ng pabuyang P5 milyon ang pamahalaan para sa ikadarakip ng top leader ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Palawan, ayon sa opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Lt. Col Darwin de Luna, commanding ­officer ng Marine Battalion Landin Team 4 ng Joint Task Force Group South, tumataginting na P5 milyon ang pabuya sa sinumang makakapagturo sa pagkakaaresto kay Vincent Lozada Libuna, alyas Ka Allan Libuna, Ka Allan Lozada, at Ka Peter, top NPA leader ng lalawigan ng Palawan.

Si Libuna ay nasasangkot sa pamamaslang sa rebel returnee na si Jun-Jun Gatosan noong Disyembre 7, 2017 sa Sitio Cabangan sa bayan ng Samarinana. Ito umano ang nag-utos na patayin si Gatosan base sa ginawang imbestigasyon ng pulisya. (Edwin Balasa)