Abante Tonite Interactive

₱5M premyo sa ‘Hatawan’ ni RMC CEO Dennis Ligon

300

Sa unang pagkakataon, itataya ng Roligon Mega Cockpit ang pambihirang premyong P5M sa “Hatawan sa Tag-ulan 5-Cock Derby” na sisimulan sa June 6.

“Smalltime gamefowl breeders get their chance to hit the jackpot with only P11,000 entry fee plus P5,500 minimum bet and also be recognized by bigtime financiers,” ani RMC CEO Dennis Ligon, ang derby host.

Walong araw ang 3-cock elims na may P100,000 day prize sa three pointers ang mga bibira sa June 6,13, 20 at 27; at July 4, 11, 18 at 25.

Ang 2-cock finals aysa Aug. 1 para sa 1, 1.5, 2 at 2.5 points na may may premyong P400,000 sa 2 pointers) at Aug. 8 sa kalahok na may points lang.

Para sa champion handler ang P100,000 at sa gaffer ay P70,000. May trophy ang bawat kampeon mula sa sponsors Salto Gamefowl Feeds at Thunderbird.(Enjel Manato)