Abante Tonite Interactive

₱5M premyo sa ‘Hatawan sa Tag-Ulan’ — Capitan

327

Panalo ang “Hatawan sa Tag-Ulan 5-Cock Derby” ng Roligon Mega Cockpit sa Parañaque City sa June 6-August 8 kung dami ng entries ang pag-uusapan.

Ayon kahapon kay Tiling Capitan ng RMC, marami na ang nagpareserba ng cockhouses at karamihan sa mga ito ay mula sa mga probinsya habang naunang nagpa­lista ang mga regular ng Metro Manila.

“Nabalita na ang guranteed prize na P5 milyon, mababa ang P11,000 entry fee at P5,500 minimum bet,” wika ani Capitan.

Abante Hiring – IT dep

Walong araw ang 3-cock elims na may P100,000 day prize para sa three pointers na mga bibira sa June 6,13, 20 at 27; July 4, 11, 18 at 25.

Ang 2-cock finals ay Aug. 1 para sa 1, 1.5, 2 at 2.5 points na may premyong P400,000 sa 2 pointers, at sa Aug. 8 sa may 3 points.

Host si RMC CEO Dennis Ligon sa siyam na araw na pasabong kung saan ang champion handler ay may P100,000 at sa gaffer ay P70,000. May trophy ang bawat kampeon mula sa sponsors Salto Gamefowl Feeds at Thunderbird.

Sa detalye, makipag-ugnayan sa RMC office sa 519-7345, kay Shirley sa 0920-9509090 at kay Capitan sa 0926-7134069. (Enjel Manato)