Abante Tonite Interactive

₱673M budget ni VP Leni dadagdagan ng Senado

403

Mabilis na nakalusot sa Senate committee on finance ang panukalang P673 milyong budget ng Office of the Vice President (OVP) sa susunod na taon.

Si Vice President Leni Robredo ang nag­latag ng panukalang budget gayundin ang mga programa at proyekto ng kanilang tanggapan para sa taong 2022.

“‘Yung next three years is more for strengthening what we have started already, expanding our cove­rage, and making sure that all the initiatives that we started will become sustainable,” sabi ni Robredo sa kanyang presentasyon.

Handa naman ang Senado na dagdagan ang budget ng OVP makaraang aminin ni Robredo na marami silang hindi nagagawa dahil sa kakulangan ng pondo.

Sabi ni Minority Floor Leader Franklin Drilon na ikokonsidera nila na dagdagan ang budget ng OVP para sa policy unit nito na ngayon ay mga contractual employee ang humahawak.

Magpapadala naman ang tanggapan ni Robredo ng panukala kung magkano ang kailangan nilang karagdagang budget para rito. (Dindo Matining)