Abante Tonite Interactive

₱684M unclaimed prizes ng PCSO dapat ilagay sa charity fund — COA

0 198

Sinabi ng Commission on Audit (COA) na hindi pa naire-remit ng Phi­lippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) ang may P684 milyon halaga ng mga forfeited prize­s at hindi nagamit na 2017 opera­ting budget sa cha­rity fund.

Base sa annual audit report ng PCSO, sinabi ng COA na ang P684 mil­yon unremitted fund ay bumaba sa P184 mil­yon forfeited prizes sa PCSO-sanctioned lottery Keno Games, at P500 milyon hindi nagamit na opera­ting fund noong 2017 na aabot sa may kabuuang P1.5 bilyon.

“These amounts were not yet transferred to the charity fund, contrary to the PCSO Charter. The fund transfer could have provided the much neede­d fund for the va­rious charitable programs of the PCSO, most specially the Individual Me­dical Assistance Program,” ayon sa COA.

Alinsunod sa PCSO Charter, ang charity fund ay gagamitin para pondohan ang health programs, expansion, medical assistance and servi­ces at charities ng natio­nal character, kabilang na ang Philippine National Red Cross.

Ang halaga ng hindi nakuhang premyo sa Keno games ay tumaas sa loob ng tatlong taon na umabot sa P43 mil­yon noong 2016, P57.4 mil­yon noong 2017, at tumaas pa sa P81.5 mil­yon noong 2018 kaya umabot sa kabuuang P184 mil­yon. (Juliet de Loza-Cudia)