Abante Tonite Interactive

₱75B nalugi sa Rice Tariffication Law

1,779

Nagdulot ng P75 bil­yong pagkalugi sa mga rice farmer noong nakaraang taon ang implementasyon ng Republic Act No. 11203 o Rice Liberalization Law.

Ayon ito sa inilabas na datos ng Anakpawis Party-list, Bantay Bigas, at Amihan Natio­nal Fede­ration of ­Peasant Women.

Mula nang maging miyembro umano ang Pilipinas ng World Trade Organization noong 1995 ay bumagsak na ang farm gate price ng bigas sa mga baryo na naging dahilan ng pagkalugi at pagkabaon sa utang ng mga magsasaka.

Ngunit lumala ito nang maging batas ang RA 11203 na itinuturing ng grupo na ‘anti-­peasant legacy’ ng administrasyong Duerte.

Base sa datos, noong 2018, ang halaga ng produksiyon ng palay ay nasa P385 bil­yon para sa mahigit 19 milyong metriko tonelada o katumbas ng P20.19 per kilo farm gate price.

Ngunit noong 2019, ang halaga ng produksiyon ay nasa P305 bilyon para sa mahigit 18.8 mil­yong metriko tonelada o katumbas ng P16.22 per kilo farm gate price na bumaba ng P4. (Eralyn Prado)