Abante Tonite Interactive

₱80M ang puhunan sa debut ng grupo

ANNYEONG

By
2,574

Namamayagpag ang mga boy at girl group mula sa South Korea. Kilalang-kilala sa buong mundo, hindi lamang sa Asia ang K-pop dahil na rin sa mga sikat na girl group at boy group tulad ng BIGBANG, BTS, EXO, Super Junior, SHINee, Wanna One, Girls Generation, Twice, BlackPink, Red Velvet at marami pang-iba.

Bukod sa mga nabanggit na grupo, marami pang nakapag-debut pero hindi masasabing kasing-palad ng ilan sa mga kilala nga­yon.

Karaniwan na may limang miyembro ang isang grupo o minimum of three. Meron din kasing dami ng Wanna One na produkto ng survival show na nasa 11 ang miyembro.

Pero alam niyo ba kung gaano kalaking pera ang kailangan para makapag-launch o makapag-debut ng isang grupo? Daan-daang milyon kung sa piso ang pag-uusapan at bilyon naman ang katumbas sa Korean won.

Naglabas ang koreaboo.com ng statistic na ginagastos para makapag-debut ng grupo, ito ay base pa sa konserbatibong bilang na limang miyembro lamang.

Ni-reveal ng JYP Entertainment kung gaano kalaki ang masasabing puhunan o capital. Umpisa pa lang daw, 900 million won na ang magagastos sa debut pa lamang.

Sa tatlong taong training,­ uubos na raw ng 700 million won at 900 million won na nasa US $845,000,000. Na ang katumbas sa peso ay nasa 42 million na.

Ang comeback album naman daw ng isang grupo ay ay aabutin na ng 12 million won para sa recording at 15 million para i-produce na may total of 27 million won na. At ito ay sa tatlong kanta pa lamang. Ang isang MTV ay nasa 150 million won ang halaga, wala pa ang cost ng pictorial shoot for na papalo ng 20 million won.

Mas malaki ang marke­ting cost kapag kailangan na itong i-promote sa mga music broadcast. Nagkakahalaga ito ng 500 million won.

Sa 500 million won, kasama na rito ang 50 million won para sa choreography, 100 million para sa back-up dancers, 10 million won para sa make-up at ang viral marketing cost na nasa 150 million won ang halaga.

Kaya kung susumahin ang kailangang pera para makapag-debut ng isang grupo sa Korea, aabutin daw ito ng 1.5 billion won para lang sa isang K-pop group. Sa peso, nasa kulang 80 million na.

Kaya kung ang isang nag-debut na grupo ay hindi talaga kinagat o sumikat, sigurado raw na mababaon sa billion won na utang ang agency.

Pero siyempre, ibang usapan naman kung katulad ng JYP na ang mga K-pop groups nila ay tulad ng Twice, Got7 at 2PM na masasabing bawing-bawi na.

Gayundin ang dalawa pang kasama sa Top 3 agencies na SM Entertainment (Girls Generation, SHINee, EXO) at YG Entertainment (BIGBANG, BLACKPINK). Commercial endorsements pa lang ng mga ito ay talagang maka­kabawi na.

Kaya naman kung mapapansin din, napa­kalaki ng nararamdamang pressure ng mga miyembro ng mga K-pop groups sa South Korea. Alam nila na hindi biro ang isinusugal na pera sa kanila ng kanilang mga agency.