Abante Tonite Interactive

₱9M Napolcom vitamin allowance pinatigil ng COA

343

Inutusan kahapon ng Commission on Audit (COA) ang National Police Commission (Napolcom) na suspendihin ang pagbabayad ng mga ‘dietary supplement allowance’ na nagkakahalaga ng P9.09 mil­yon sa kanilang mga opis­yal at empleya­do, kabilang ang mga ‘contractual personnel’ dahil sa kakulangan ng legal na basehan.

“We recommended that management immediately stop the payment of dietary supplement allowance; and henceforth, refrain from paying any form of allo­wances unless legally­ authorized,” batay sa statement ng COA matapos ang isinagawang 2018 audit report sa Napolcom.

Sa isinagawang audit, natuklasan na nitong Disyembre 31, 2018, gumastos ang Napolcom ng P8.23 mil­yon para sa regu­lar officials at emplo­yees at P856,000 para sa ‘vitamin allo­wance’ ng ‘contract of service’ at ‘job order personnel’.

Ayon sa COA, patuloy ang nasabing commission na nagbibigay ng allowan­ces, sa pamamagitan ng cash o ‘reimbursement’, sa kabila ng Audit Observation Memorandum (AOM) noong Oktubre 2017 na nagrere­komenda na suspendihin ito dahil sa usaping legal.

Nakasaad umano sa AOM, na ang order lamang ng tanggapan mula sa Napolcom vice chairman at executive officer ang makakapagbigay ng katwiran ng ‘dietary supplement allowance’.

Sa tugon naman ng Napolcom sa AOM, ang nasabing ‘allowance’ ay pinapayagan sa ilalim ng Preventive Health Care Program ng Civil Service Commission (CSC) at ng Administrative Order No. 402.

Subalit ayon sa COA, ang AO 402 ay tumutukoy lamang sa medical check-up program “consisting of procedures that are strictly diagnostic” at walang detalye sa ‘prescription drug’ o ‘dietary supplement benefits.’

“Funds intended for the medi­cal check-up shall be used only for the payment of the cost of the check-up actually rendered. Thus, this benefit cannot be monetized,” giit ng COA, batay umano sa AO 402.

Idinagdag pa na ang nasabing halaga para sa allowance ay saklaw sa CSC health care program.

Ikinatwiran naman ng Napolcom sa state auditors na ang vitamin allowance ay ipinagkaloob ‘in good faith’ at naniniwala silang ito’y katiwa-tiwala. (Dolly Cabreza)