Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel, Niel Halloween hango sa `Squid Game’

0 183

Bongga at napapanahon ang tema ng halloween party sa tahanan ng mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce.

Ito ay dahil ang sikat na Netflix series na ‘Squid Game’ ang naging tema ng kanilang party na kanila namang ipinasilip sa latest vlog nila.

Bida si Neil sa pagsusuot ng costume ng ‘The Front Man’ habang si Angel, kasama ang ilan nilang inimbitahang kaibigan ay nagsuot ng green tracksuit na gayang-gaya sa kung ano ang nasa ‘Squid Game.’

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nasunod naman daw ang health at safety protocols sa kanilang aktibidad.

“Sa Halloween, isa sa pinakagusto ko ay ‘yung nagbibihis ‘yung buong community ng ridiculous costumes. Ta’s walang judgment,” kuwento ni Angel sa vlog. “Kahit may budget ka o wala kang budget, tumodo ka o hindi, accepted ka.”

“Kaya dahil ngayon kami magce-celebrate ng aking asawa ng aming first Halloween together, naisipan naming mag-abala naman nang konti lang,” dagdag pa ng aktres.(MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.