Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim ‘mainit’ ang dugo kay Nathalie

0 228

NI: VINIA VIVAR

Gumawa ng tensyon si Vice Ganda sa pagitan nina Kim Chiu at Nathalie Hart nang mag-guest ang huli sa isang segment ng It’s Showtime.

Sa game na Hide And Sing ay hindi maka-decide si Nathalie sa mga singers na contestants at tie para sa kanya ang no.2 and no.3.

Sinabihan siya ni Kim na kailangang isa lang ang piliin niya at dito sumingit si Vice na “feeling ko, mag-aaway si Nathalie at si Kim Chiu mamaya. Pagkatapos ng episode, feeling ko, magkakapikunan si Nathalie at si Kim Chiu. Feeling ko, isa sa kanila, nagpipigil lang.

At pagkatapos ay pinaalala ni Vice na dati raw ay nagkaroon ng movie sina Xian and Nathalie na Sin Island.
“Kaya pala, parang mabigat, parang may ano kay ano, eh,” sabi ni Vice.

Nakikantyaw rin ang ibang co-hosts at mainit daw ang dugo ni Kim kay Nathalie.

Tawa nang tawa si Kim.

“Work lang ‘yon,” sabi naman ni Nathalie.

“Wala na, tapos na ‘yun, eh,” dagdag pa niya.

Sabi naman ni Kim sa mga kasamahan, “ok na kayo? Ok na kayo? Nasabi n’yo na lahat?”

Ayaw pa ring tumigil ni Vice at panay pa rin ang tukso sa dalawa.

Paliwanag ni Kim, tinatanong lang naman niya si Nathalie ng final decision nito at tinutulungan din niyang pumili.
Sabi ni Nathalie, “ok, sige, si No. 3 na, para wala nang away.”

Sabi naman ni Kim, “’wag ka na magalit, Nathalie.”

Hirit ni Vice, “parang may certain level of coldness kanina pa.”

Sabi naman ni Kim, “grabe kayo, sobra kayo talaga.”

Sports naman si Kim at sanay na siya sa mga pambubuska lagi sa kanya ng co-hosts lalo na nga si Vice Ganda.

Leave A Reply

Your email address will not be published.