Abante Tonite Interactive

Horoscope 12/31/2018

478

Anthony Hopkins

Kaarawan: Disyembre 31, 1937

Abante Hiring – IT dep

Sa kabila ng kanilang ‘bad boy’ image at pagiging mailap lalo na ‘pag tungkol sa emosyon ang pinag-uusapan, may malambot na kalooban ang mga lalaking Capricorn. Malaking sikreto nila ang pagiging insecure para sa kanilang pinanga­ngalagaang image. Hinahanap nila ang babae na mag-aalaga at magmamahal sa kanila sa kabila ng kanilang nakatagong weakness.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ngayong araw na ito, dapat nang magkaroon ng linaw ang direksyon na gustong tahakin. Gawin ito hindi para sa iyong sarili kundi para sa mga taong mahal mo. Malaking sagabal o bigat ang matatanggal sa iyong balikat kapag ginawa ito. Lucky co­lor: Yellow, lucky number: 30.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Isang sik­reto ang mabubunyag at posibleng makasira sa relasyon. Magdudulot ito ng matinding tensiyon kung hindi agad mareresolba. Asahan ang ma­laking pagbabago sa iyong buhay. Tanggapin ito nang maluwag sa kalooban. Lucky color: Violet, lucky number: 15.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Paha­lagahan ang mga karagdagang kaalaman. Marami kang bagong nadidiskubre hindi lamang sa iyong sarili kundi sa ibang tao. Tandaan ang malaking aral na iiwan ng hindi magandang karanasan. Lucky color: Gray, lucky number: 45.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Malilito sa kasalukuyang sitwasyon. Mas mabuting huwag munang gumalaw para hindi lalong maguluhan. Magmasid-masid muna. Kailangan mong pag-aralan nang husto ang pinag-uugatan nito. May mga impormasyon na hindi nakakarating sa iyo. Lucky color: Orange, lucky number: 4.

Related Posts

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Marami kang hindi pa nalalaman. Masosorpresa ka sa isang pangyayari ngayon. Gawing prayoridad ang sarili. Walang ibang magmamalasakit sa iyo kundi ang iyong pa­milya. Lucky color: Green, lucky number : 39.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May pagkakataon na ang tangi mong magagawa ay magmasid at hindi magsalita. Mareresolba ito kahit hindi ka makialam. Mas marami ang kokontra sa iyong kakaibang opinyon. Lucky color: Maroon, lucky number: 21.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – ‘Wag maliitin ang sarili. Sa halip, alalahanin na lamang na hindi lahat ng tao ay mapapasaya mo. Iwasan ang panghuhusga. Kilalanin munang mabuti ang isang tao bago magsalita tungkol sa iyong impresyon. Mahirap magparatang ng mali. Lucky color: Orange, lucky number: 32.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Iwasang palakihin ang isang isyu na may kina­laman sa emosyon. Hindi sa lahat ng oras ay kaya kang maunawaan ng mga kasama. Huwag masamain ang mga puna sa iyong ikinikilos. Lucky co­lor: Blue, lucky number: 39.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Habaan pa ang pasensiya sa isang taong masyadong nagiging demanding sa iyo. Isi­pin na baka may dinaramdam ito o may problema. Mas mabuting kausapin ito ng personal. Lucky color: Maroon, lucky number: 10.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mas passionate ka sa araw na ito sa piling ng minamahal. Nasa iyo ang pagkakataon para ga­wing espesyal ang takbo ng iyong love life. Lucky color: Brown, lucky number: 39.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mas magiging maayos ang iyong paligid kung magpopokus muna sa mga isyu
sa loob ng bahay. Kakailangan mo rin na ayusin ang koneksiyon sa isang kapamilya. Makinig sa matandang payo. Lucky color: White, lucky number: 3.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ngayon na ang tamang oras para ikaw ay magsalita. Kung dati ay naghihintay ka lang lagi, ngayon ang good timing ipakita na seryoso ka na at nagbago. Mas magiging masalimuot ang sitwasyon kung patuloy na iiwasan ang tungkol sa mga dating reklamo. Lucky color: Yellow, lucky number: 2.