Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1.6M Pinoy adik sa marijuana, shabu -DDB

0 41

Mayroon umanong 1.67 milyong Pilipino ang gumagamit ng iligal na droga, ayon sa Dangerous Drugs Board (DDB) nitong Sabado.

Batay sa 2019 drug survey, sinabi ni DDB chairman Catalino Uy, na nasa pagitan ang mga drug user ng edad 10 hanggang 69. Sa nasabing bilang, nasa 4.73 milyon sa mga ito ay mga lifetime user.

SM food to go Banner Ad

“Ito ‘yung mga nag-try o gumamit ng drugs once in their lifetime. Pero not necessarily current users sila, ‘no, siguro nag-try lang nu’ng kabataan. So ‘yun tawag sa kanila, lifetime user,” paliwanag ni Uy sa panayam sa radyo.

Aniya, ang independent entity na Metrics Asia-Pacific Corporation (MAPC) ang nag-validate at nag-analyze ng data na nakolekta sa survey na isinagawa nationwide sa pagtutulungan ng DDB, Department of Social Welfare and Development at Philippine Statistics Authority.

Sa resulta ng survey ay lumabas din na mas maraming gumagamit ng marijuana sa 57 porsiyento kumpara sa shabu na 35 porsiyento. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.