Abante Tonite Interactive

1.8 milyon manggagawa tinamaan ng COVID-19

698

Dahil sa halos 1.8 milyong manggagawang Filipino na inasahang nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus, kung kaya’t humihingi ng karagdagang pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nakatakdang humiling ang kagawaran para sa karagdagang pondo upang maibigay ang 1.8 milyong mga manggagawa na tinatayang naapektuhan ng global health crisis.

Aniya kung susundan ang hula ng National Economic and Development Authority (NEDA), inaasahan na may 1.8 milyong manggagawa ang maapektuhan kaya’t kailangan ng karagdagang budyet mula sa national government para sa social amelioration fund.

Una nang sinabi ng DOLE noong Linggo na kakailanganin ng isa pang P5 bilyon upang pondohan ang mga programa ng tulong para sa mga manggagawa na apektado ng COVID-19. (Mina Aquino)

Tonite – Wendys Inhouse Ad