Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1.8M sa 2M COVID case gumaling – Digong

0 50

Pinapurihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health (DOH) at mga frontliner sa COVID-19 dahil mas maraming gumaling sa naturang sakit kumpara sa mga nasawi.

Sa kanyang `Talk to the People’ Huwebes ng gabi, inihayag ng Pangulo na umabot na sa dalawang milyong Pilipino ang tinamaan ng COVID sa bansa.

Bagamat umabot na aniya sa dalawang milyon ang tinamaan ng COVID, ipinagpasalamat ng Pangulo na 1.8 milyon ang nakarekober sa virus.

“However, ang konsuwelo natin is that 1.8 million of these have recovered. So mayroon na lang [200,000] na wala. And that is a very good reflection of what our health people are doing, and I would like also to commend Secretary Duque for that,” sabi ng Pangulo. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.