Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1-anyos nabilaukan sa marshmallow, dedo

0 74

Patay ang isang 1-anyos na babae nang mabulunan matapos isubo ang isang buong marsmallow na napulot nito sa Mariveles, Bataan.

Sa ngayon ay pinaglalamayan na sa kanilang bahay sa Barangay Lucanin ng nasabing bayan ang labi ng bata na sadyang hindi na pinangalanan.

Ayon kay Loren Austria, nanay ng bata, hindi umano niya napansin ang kanyang anak na naglalaro at nakapulot ng marsmallow na agad nitong isinubo.

Nakita na lang daw niya ang anak na nangingisay at hindi nakahinga matapos mabilaukan.

Agad namang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang bata subalit idineklara na rin itong dead on arrival. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.