Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1 barangay sa Pasay zero COVID case na

0 328

Matapos magtala ng zero case sa kanilang lugar sa nakalipas na 24 oras, tinanggal na kahapon sa listahan ang isang barangay sa Pasay City na kabilang sa 17 critical zone sa lungsod dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 sa nakalipas na mga araw.

Lumitaw na wala ng bagong kaso at magaling na lahat ang 47 residente ng Barangay 144 na tinamaan ng COVID-19.

Sinabi ni Bgy. chairman Nelson Padilla na nakatulong ang ginawa nilang contact tracing at pagsunod ng mga residente sa mga health protocols para hindi na kumalat ang virus sa kanilang lugar.

Samantala, sinabi ni City Administrator Dennis Bernard Acorda na mananatili pa rin bilang critical zone ang mga Barangay 14, 34, 37, 42, 46, 66,106, 169, 171, 177, 183, 184, 185, 190, 193 at 201. (Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.