Abante Tonite Interactive

$1 bilyon malalagas sa NBA, NHL, MLB

318

BUKOD sa mga atletang nakatengga at mga trabahador sa arena dulot ng kanselasyon ng mga laro, malaking lugi rin ang matatamo ng mga sports broadcaster gaya ng NBA, NHL at MLB.

Base sa pag-aaral ng isang advertising firm, malaking pera ang mawawala ngayong agkaroon ng mahaba-habang suspenyon sa iba’t ibang liga.

Ayon sa MediaRadar, isang advertising firm sa New York, kung pagsasama-samahin ang mawawalang kita ng mga sports broadcaster mula sa NBA, NHL at MLB ay papalo at lugi ito ng kabuuang $1 bilyon.

Batay pa sa nilabas nilang breakdown, $800 million ang malalagas sa NBA habang $120 million sa NHL at $60 million naman sa MLB. (AE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad