Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1 dedo, 67 pa laglag sa Cavite buy-bust

0 249

Yumao ang isang hinihinalang tulak habang 67 iba pa ang inaresto sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Julius Sison, 24 ng Barangay Palangue Central, Naic.

Sa ulat ni Pat. John Quimilat ng Naic Police Station, dakong alas-10:20 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust sa nasabing barangay kung saan target ang suspek.

Nakipagtransaksiyon ang suspek kasama ang isang Jeffrey Clutarion, alyas ‘Ipe’ pero sa kalagitnaan ng pag-uusap ay nahalata ng nauna na pulis ang kanyang kausap kaya nagbunot umano siya ng baril. Pero naunahan siyang mamaril ng mga awtoridad na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan. Nakatakas naman si Clutarion.

Narekober mula kay Sison ang sachet ng hinihinalang shabu at hindi nabatid na kalibre ng baril.

Samantala, 67 ang dinampot ng Cavite police sa isinagawang buy-bust sa pagitan ng alas-6:30 Miyerkoles ng umaga hanggang alas-3:30 Huwebes ng madaling-araw sa 7 lungsod at 11 bayan sa Cavite.

Nanguna sa pinakamatas na bilang na dinampot na tulak ang Silang (12); sumunod ang Cavite City (9); tig-8 ang Bacoor at Tanza; 5 sa Rosario; 4 sa Dasmariñas City; tig-3 ang Imus City at Carmona; tig-2 ang Tagaytay City, Trece Martires City, Alfonso, General Mariano Alvarez, at Kawit; at tig-1 ang General Trias City, Mendez, Amadeo, Indang, at Noveleta. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.