Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1 dekada na: KathNiel binisto sikreto ng tandem

0 66

NI: BETH GELENA

Ano nga ba ang sekreto ng KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) at umabot sa 10 years ang kanilang tambalan?

Hindi as a reel love team kundi napunta rin in real life.

Sa ten years as a loveteam , ayon sa KathNiel may distinction ang kanilang longest-running screen partners among among their contemporaries.

Nag-start ang loveteam ng KathNiel nu’ng 2021 sa drama series na Growing Up na nasundan ng mga hit teleserye at maging sa movies.

Ngayong isang dekada na ang tambalan ng KathNiel, may bagong teleserye ang sikat na loveteam, ang 2 Good 2 Be True na naka-schedule mag-premiere sa Netflix sa May 13, iWant TFC, May 14, at sa lahat ng ABS-CBN platforms at TV sa May 16.
Natanong ang celebrity couple kung ano ang kanilang sekreto na umabot sila ng isang dekada.

“There’s no exact formula talaga na, ‘Okay, if you do this, magiging 10 years din kayo ng love team niyo, ito ‘yung secret,’” sambit ni Kath.

Dagdag pa ng aktres, “But I think, if there’s something na since day one, up until now, 10 years after, it’s respect and teamwork. Iyon ‘yung ginagawa namin ni DJ over the years.”

“Iyon ‘yung nagwo-work for us. So hindi ko rin masabi na gawin niyo ‘yun ta’s iyon ‘yung mangyayari sa inyo. But, kasi, teamwork is very important, na hindi niyo nakikita ang isa’t isa as competition. Dapat nagtutulungan kayo paakyat. With DJ, hawak-kamay kami, through thick and thin, nandiyan kami para sa isa’t isa.”

SM food to go Banner Ad

In-assure pa ni Kath na lagi raw nakahandang tumulong ang aktor para ma-recover ang kanyang apprehensions.

“Just yesterday, meron akong nahirapan na eksena, kasi feeling ko hindi ako ready doon. Pero sinabihan lang ako ni DJ, ‘Oh my God, na-feel ko na.’ That’s very important na tinutulungan niyo ang isa’t isa to be better. Ganoon ‘yung na-develop ko na relationship with him.”

Kilala naman si DJ na a man of few words, pero sinegundahan niya ang sinabi ng girlfriend.

.“It’s the same. It’s love and respect and ‘yung support sa isa’t isa. ‘Yung suporta namin sa isa’t isa, sa kahit anong eksena, iyon ‘yung pinaka-importante.”

Ngayong mapapanood na rin sa Netflix ang kanilang serye, ayon sa KathNiel.

“Hindi naman lahat nabibigyan ng ganiyang opportunity. Once binigyan ka ng ganiyang opportunity, you want to do something good, something great. You want to inspire more people. And hopefully, after this project, it will open more doors not just for us, but also for the company.

“Kaya natin, na Filipino-made, basta bigyan ng time, bigyan ng tamang mga tao, kaya nating gumawa ng ganitong quality project. Nakaka-proud na slowly, pumapasok tayo, like with Netflix. It’s such a huge opportunity not just for us but sa ABS-CBN. We’re very grateful.” paliwanag ni Kath.

“Maganda rin na napapanood ng mga kababayan natin, lalo na ‘yung mga nasa ibang bansa, lalo na ‘yung mga kabataan, ‘yung mga Filipino films, dahil punung-puno ng kultura na hindi na natin nakikita ‘pag malayo na tayo,” paglalahad naman ni DJ.

“Marami rin akong kilala na nasa ibang bansa na nakakalimutan na ‘yung root ng pagiging Pilipino. So importante rin na napapanood nila dahil mahalaga ‘yung Filipino values and culture natin,” dagdag pa ng aktor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.