Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1 dosenang V-day bulaklak presyong 1 sakong bigas

0 49

Nagkakahalaga na ng isang sako ng bigas ang isang bungkos ng rosas na ipinagbibili mula nitong Pebrero 12 sa Dangwa, Dimasalang, Sampaloc ,Maynila.

Nabatid na ang mga imported roses ay nasa P1,800-P2,000 na may bilang na 12 piraso.

Nasa P1,800-P2,200 ang halaga ng isang bungkos na rosas na lokal, na may bilang na 24 piraso habang ang 20 pirasong maliliit na bulaklak ay nagkakahalagang P350-600.

Ang sun flower naman ay nagkakahalagang P150-P200 kada isang piraso at pinakamababa ang P1,500-P1,800 ang presyo ng 10 piraso.

Maging ang carnation, eucalyptus, tulips, stargazers, Malaysian mums, orchids, ylang -ylang, gerberas, anthuriums at asters ay nagkakahalagang P2,000 -P2,500.

Ayon sa isang flower helper na si Tess, lugi umano ang mga nagtitinda ng bulaklak nitong nakaraang Undas kaya ngayong Valentine’s Day ay sinisikap nilang makabawi. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.