Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1 gold medal lang masaya na lahat!

0 31

Nasa 96 na taon na ang mahal nating bansa sa paghihintay para mananalo ng gold medal sa Summer Olympic Games.

Unang lumahok ang Pilipinas sa pangwalong edisyon ng quadrennial sports festival noong 1924 sa Paris, France .

Kaya ang pagsali ng mga Pinoy sa 32nd SOG 2020 sa Tokyo, Japan na inantala ng pandemya noong isang taon, pero tuloy ang pagbubukas sa Biyernes, Hulyo 23 at aabutin hanggang Linggo, Agosto 8, ang pang-22 na ng bansa.

Sa 96 years sa 22 times nating pagsali, nakakopo na si Juan dela Cruz ng 10 medalya – 3 silver at 7 bronze. Hindi kasama sa medal tally ang gold sa women’s tenpin bowling ni Arianne Cerdeña dahil exhibition sport lang iyon sa 1988 Seoul Olympics.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Alam nang marami sa atin, na ito na ang pinakatamang panahong pinakahihintay ng lahing kayumanggi upang makapitas nang napakailap na g-o-l-d!

Bilyones ang pinaluwal ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pangunguna ni Chairman William Ramirez upang maihandang maigiti ang 19 nating Olympian.

Sila ay sina sprinter Kristina Marie Knott at pole valter Ernesto John Obiena, boxers Eumir Felix Marcial, Carlo Paalam, Nesthy Petecio at Irish Magno, golfers Juvic Pagunsan, Bianca Isabel Pagdangann at Yuka Saso, gymnast Carlo Edriel Yulo, judoka Kiyomi Watanabe, rower Cris Nievarez, shooter Jayson Valdez, skateboarder Margielyn Didal, swimmers Luke Gebbie at Remedy Rule, taekwondo jin Kurt Bryan Barbosa at weightlifters Hidilyn Diaz at Elreen Ann Ando.

Isa lang sa inyo ang maka-gold masaya na ang buong bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.