Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1 milyon na patay sa coronavirus

0 127

Pumalo na sa isang milyon ang bilang ng mga taong pumanaw dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon sa nakalap na datos ng Worldometer, may kabuuang 1,002,383 nang ginupo ng virus.

Samantala, 33,303,209 na ang nahawa habang 24,634,061 ang gumaling sa nasabing sakit.

SM food to go Banner Ad

Sa Pilipinas naman, may 307,288 na ang COVID infected matapos na makapagtala ng 3,073 panibagong kaso nitong Lunes.

Base sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 198, nasa 163 katao naman ang nakarekober sa sakit kaya umabot na sa 252,665 ang kabuuang bilang ng gumaling sa virus.

Nasa 37 katao naman ang bagong nadagdag sa bilang ng mga nasawi kaya umabot na ito ngayon sa 5,381 habang 4,242 ang active cases. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.