Abante Tonite Interactive

1 milyong pirma kontra Rice Tariffication Law

175

Isang nationwide signature campaign ang ilu­lunsad ng mga grupong kontra sa Rice Tariffication Law para mapawalang bisa ang nasabing batas na labis umanong nakakaapekto sa mga magsasaka.

Ayon kay Cathy Estabillo, isang opis­yal ng grupong Bantay Bigas, kanilang inilunsad noong Sabado ang pagsisimula ng signature campaign sa lungsod ng Maynila.

Sa darating na Oktubre 16, kasabay ng World Food Day na tinawag ng grupo bilang ‘World Food Less’ dahil sa bilang aniya ng mga magsasaka na nagugutom dahil sa epekto ng Rice Tari­fication Law, ay ilulunsad ang nationwide signature campaign.

Bukod sa signature campaign, ayon kay Estabillo, magsasagawa rin ng malawakang protesta ang kanilang grupo sa harap ng Department of ­Agriculture.

Ayon kay Estabillo, kailangang bilhin ng DA ang mga aning palay ng mga magsasaka sa tamang halaga para hindi baratin ng mga trader at para hindi tuluyang malugi at malugmok sa utang ang mga magsasaka. (Allan Bergonia)