Abante Tonite Interactive

1 month lang ang buhay ng langaw

100

Ang mga night butterflies ay mayroong ­tainga sa kanilang mga pakpak upang maiwasan ang mga paniking kumakain sa kanila.

***

Ang monarch cater­pillars ay nagpapalit ng kanilang balat ng apat na beses bago ­maging chrysalis, sila rin ay lumalaki ng 2,700 na ulit mula sa kanilang orihinal na sukat.

Abante Hiring – IT dep

***

Sa kabuuang bilang ng mga insekto ay ­kaunti lamang ang nakakapinsala o peste sa mga tao. Karamihan sa kanila ay malaki ang naiaambag na tulong, halimbawa na lang ay ang mga bubu­yog na nakakatulong upang mag-pollinate ang mga bulaklak upang ito ay mamunga para tayo ay may makain.

***

Alam n’yo bang ang balang ay nagagawang kumain ng kasing dami ng kanilang timbang.

***

Ang isang ­bubuyog ay kinakailangang lumi­pad ng 43,000 milya upang makapag-produce ng isang pound ng honey.

***

Isa sa bawat 1,000 lamok na babae ang nagta­taglay ng sakit na maa­aring mapanganib sa tao.

***

Tumatagal lamang ng isang buwan ang buhay ng isang langaw.

***

Ang praying mantis ay may kakayahang paikutin ang kanyang ulo.

***

Kinakalabit na ­parang gitara ng isang lalaking gagamba ang kanilang mga sapot upang akitin ang mga babaeng gagambang kanilang nililigawan.

Related Posts

***

Alam n’yo bang ang mga lalaking kuliglig lamang ang may kakaya­hang humuni.

***

Ang isang inakay na robin ay may kakaya­hang kumain ng 14 feet na haba ng bulate araw-araw.

***

Ayon sa pag-aaral, 80 porsiyento ng mga hayop sa earth ay insekto.

***

Isang uri ng insekto na tinatawag na spittlebug ang nangingitlog sa isang pugad na puro laway upang ‘di makain ng mga predator.

***

Ang mga snail ay may kakayahang matulog ng tatlong taon.

***

Ang isang ipis ay kaya pang mabuhay sa loob ng tatlong linggo kahit walang ulo.

***

Ang panlasa ng isang paru-paro ay matatagpuan sa kanyang mga paa.

***

Nabubuhay lang sa loob ng walong oras ang isang mayfly.

***

Mas matapang ang kamandang ng isang black widow ng 15 beses kumpara sa kamandag ng rattle snake.