Abante Tonite Interactive

1 o 2 taon, kaya ko pa! – Tiu

275

Dahil sa pagnanais ng mas mahabang oras para sa kanyang pamilya at para matutukan ang kanilang family business ang nagtulak kay Rain or Shine guard Chris Tiu para maagang magretiro sa PBA.

Pero sa kanyang blog na inilabas kahapon na may titulong ‘One Last Ride’, sinabi ni Tiu kaya pa niyang maglaro ng hanggang dalawang season.

“To be ho­nest, I think I have at least one or two more productive PBA seasons left in me. But at the same time, I want to channel my current energy and enthusiasm into other projects that are sustainable and have positive impact to the community, some new and some which we have started years ago,” wika ni Tiu sa artikulong unang lumabas sa Spin.ph.

Abante Hiring – IT dep

“I believe it’s about time I start a career as a full-fledged businessman and live up to my commitment to the family. At the same time, we have an infant and a toddler who are growing incredibly fast. I want to cherish every moment with them and give them my full attention while I can, which is very challenging to do with basketball where I am overly particular with my training and resting routine.”

Pormal na inihayag ng 33-anyos na si Tiu ang kanyang pagreretiro sa pagla­laro sa propes­yonal na liga Martes nang umaga.

Nakatakdang bigyan ng Rain Or Shine ng tribute si Tiu, 7th overall pick taong 2012 at nag­laro sa Elasto Painters ng anim na taon.

Si Tiu ay parte ng orihinal na Gilas squad noong 2010. Nakapagwagi ito ng gintong medalya sa internasyonal na mga torneo gaya sa 2011 SEABA at Southeast Asian Games at tanso sa 2011 Jones Cup.