Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1 pa sa PNP dinale ng COVID

0 119

Nadagdagan ang pulis na nasawi sa COVID-19 matapos igupo ng nasabing sakit ang isang miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR).

Base sa ulat ng PNP Health Service, ang ika-26 na nasawi sa hanay ng PNP dahil sa virus ay isang Non Uniformed Personnel na lalaki na pumanaw sa Makati Medical Center.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, nadagdagan pa ng 20 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID 19 sa nakalipas na araw kaya’t umakyat na ang bilang nito sa 7,892.

Napagalaman na 6 sa mga ito ay nagmula sa National Operations Support Unit; 4 sa NCRPO; tig 2 sa Police Regional Offices (PRO) Cordillera, Calabarzon; Eastern Visayas at Zamboanga Paninsula.

Tig 1 naman ang naitala sa PRO 1 (Ilocos region) at PRO 3 (Central Luzon). (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.