Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1 pamilya sa Cebu wagi vs COVID

0 285

Nakauwi na sa kanilang bahay ang isang pamilya sa Bogo City, Cebu matapos nilang makarekober sa coronavirus disease.

Dalawang linggong sinailalim sa isolation sina patients number 12, 13, 14 at 15 na mula sa Barangay Sto. Niño.

Si Patient No. 12 ay 42-anyos na ama at siyang close contact ng isang kumpirmadong kaso ng virus sa lungsod.

June 27 nang ianunsyo ng city government na na-test siyang positibo sa virus pati na ang 35-anyos na misis niya at mga anak nilang edad 3 at 1.

Sa update ng Bogo City government nitong Miyerkoles, masayang binalita ang pagrekober sa sakit ng mga pasyente. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.