Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1 pamilya sa Navotas na-virus, bahay kinandado

0 203

Nagpositibo sa COVID-19 ang 10 miyembro ng isang pamilya kaya nagpasya ang pamahalaang lokal ng Navotas City na i-lockdown ang kanilang bahay nitong Biyernes ng umaga.

Sa Facebook post ni Mayor Toby Tiangco, kaagad na sinuotan ang quarantine band ang mga miyembro ng pamilya upang matukoy at hindi sila makalabas ng bahay.

Kaagad na ni-lockdown ang bahay base na rin sa guideline ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID), habang ang 10 nagpositive sa COVID ay isinailaim na sa 14 araw na quarantine.

May mga opisyal ng barangay na magbabantay sa labas ng bahay ng naturang pamilya at siyang bibili sa kanilang mga pangangailangan, partikular na ang gamot at pagkain.

Hindi sila maaring lumabas ng bahay at walang sinoman na makapapasok sa kanilang tahanan, maliban sa mga fronliner.

Tiniyak naman ng pamahalalang lokal ng Navotas na bibigyan ng relief foods ang mga nagpsotibo, gaya ng ginagawa sa mga lugar na isinailalim sa lockdown.

Inihalintulad ni Tiangco ang nangyaring ito noong ni-lockdown din ang isang lugar sa lungsod matapos magpositibo ang 14 katao na dumalo sa isang party, Mayo noong nakaraang taon. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.