Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1 pang bagyo nagbabanta

0 174

Isa pang bagyo sa labas ng bansa ang binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Sa huling monitoring ng Pagasa, sinabi nito na halos hindi gumagalaw ang bagyo na may lakas ng hangin na 55kph at bugso na 70kph. Kung hindi magbabago ang direksyon ng bagyo ay posibleng hindi rin ito pumasok ng PAR.

Kaugnay nito, matapos naman ang naging pag-landfall sa Casiguran, Aurora noong Martes ng gabi, nasa West Philippine Sea na ang bagyong ‘Pepito’ subalit patuloy itong magdadala ng pag-ulan sa bansa.

Ayon sa Pagasa, inaasahang ngayong araw lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo at patungo na sa Vietnam. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.