1 pang drive-thru testing center bubuksan ni Yorme Isko

Dahil sa tagumpay ng unang drive-thru COVID-19 testing facility sa Maynila, isa pa nito ang bubuksan sa Quirino Grandstand.
Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, target nilang magbukas ng testing center na kayang mag-accommodate ng 700 katao kada araw.
Inihayag ito ng alkalde matapos ang mahabang pila ng mga sasakyan sa drive-thru COVID-19 testing facility na nasa harap ng Andres Bonifacio Monument malapit sa city hall.
Dagdag niya, magkakaroon ng designated lane ang mga four-wheeled vehicle, tricycle, pedicab at iba pang sasakyan para mabilis na ma-test ang mga sakay nito.
Miyerkoles unang binuksan ng Manila City government ang kanilang kauna-unahang drive-thru COVID-19 testing center.
Libreng magpa-test ang mga residente at hindi residente ng lungsod.
Nakamando roon ang mga miyembro ng Manila Health Department mula 8AM hanggang 5PM Lunes hanggang Biyernes. (IS)