Abante Tonite Interactive

1 pang frat member sumuko, Solano lumaya

By
John Paul Solano (Jonas Sulit)
7

Isa pang suspek sa UST law freshman Horacio ‘Atio’ Castillo III ha­zing ang sumuko sa Manila Police District (MPD) kahapon ng hapon.

Kinilala ang sumukong si Jason Robiños, isa sa miyembro ng Aegis Juris fraternity na idinadawit sa pagkamatay ni Castillo.

Ang pagsuko ay ginawa ni Robiños kasabay ng paghahatid sa huling hantungan kay Atio at pagpapalaya sa naunang sumuko na pangunahing suspek na si John Paul Solano.

Paliwanag ni Robiños sa pulisya, hindi na siya aktibong miyembro ng fraternity at nanindigang hindi ito sangkot sa Castillo hazing.

Isinama si Robiños sa listahan ng fraternity members na nasa immigration lookout bulletin order ng Department of Justice (DOJ).

Samantala sa libing kahapon ay nagbigay ng mensahe ang tiyuhin ni Atio na si Dr. Garry Castillo na sinabi nitong sana makamit nila ang hustiya sa mapait na nangyari sa kanyang pamangkin.

Bukod pa dito aniya naglatag sila ng Justice for Horacio para sa pondo sa pagkamatay ng kanyang pamangkin.

“Faithful para makamit ang hustiya sa ginawa nila sa aking pamangkin”

Bukod pa dito hiniling din ni Garry na alisin o huwag nang magkaroon ng mga hazing sa mga paaralan upang hindi na maulit muli ang nangyari sa kanyang pamangki.

Matapos ang halos isang oras bandang alas-5:35 ng hapon nang ipasok sa loob mosoleyo ang kabaong ni Atio na kung saan sa tabi ng puntod ng kanyang lolo na si Horacio Castillo Sr.

Dahil sa dami ng nakipaglibing, nagpatupad naman ng mahigpit na seguridad ang mga tauhan ng Paranaque City Police sa labas at loob ng nasabing libingan.

Wala namang naging aberya sa paghahatid sa huling hatungan ng nasabing binata.